(Editor’s Note: The following article was sent by a person who did not wish to be identified. Although this person is very well known to the editor, he requested that his real identity be kept confidential. He wrote everything in Tagalog. To preserve the accurate meaning of his message, Philippine Sentinel decided to publish it unedited. He signed his name as Boy Galang.)
Ang MPC. Ito ang proyekto na kung tawagin sa English ay Multi-Purpose Centre. Proyektong inilunsad ng isang samahan na ang nakararami ay mga katoliko na naninirahan sa mga karatig-lugar dito sa Blacktown NSW na kung tawagin ay Filcos Blacktown.
Ito ang proyekto na inilunsad 20yrs ago ng Filcos Blacktown. Fund raising kabi-kabila ang ginawa ng grupong ito kaya nga yung isang lider ay nabansagan na Luzticket.
Pagbebenta ng mga raffle tickets sa mga pasayaw, mga fiesta, Christmas carolings, carols by candle light at ang taunang pagdaraos ng Miss Filcos Blacktown Charity Beauty Pageant na ilan lang sa mga paraan para makalikom ng pera para maitayo ang MPC.
Hindi pa kabilang ang mga “grants” na nakuha sa gobyerno ng Australia. Ang mga hakbanging ito ang naging mabisang paraan para sa malawakang kampanya ng grupong Filcos para nga makalikom ng sapat na salapi para sa proyektong ito na kung tawagin ay MPC.
Multi-Purpose Centre dito sa Blacktown na para sa mga Pilipino na nakatira dito sa Australia.
Sa madaling sabi, ang grupong Filcos Blacktown ay nakabili ng isang lugar sa Rooty Hill, na plano sanang pagtatayuhan ng MPC. Dito rin nakadisplay at makikita ang modelo ng itatayong MPC.
Ang fund raising project na ito ay sinuportahan at sinakyan ng nakararaming Pilipino at ng iba’t iba pang non-profit Filipino organisations dito sa NSW. Isa ako sa mga sumuporta sa proyektong ito, at isa rin sa umasa na ito ay mangyayari.
Makaraan ang mahabang panahon na paghihintay, ang MPC sa Rooty Hill ay naglahong parang bula. Ang naging balita nga, ang ideya na MPC ay naging PACC (Philippine Australian Cultural Centre) at ito ay lumipat na sa Schofield area. Ibinenta ang lupa sa Rooty Hill at ang pinagbilhan ay ibinili ng lupa sa Schofield na higit na dalawang laki sa Rooty Hill at sa labis na pagtataka ng nakararami ay kung bakit bumili ng kapalit na lugar na mahigit sa halagang pinagbilhan ng lupa sa Rooty Hill. Kaya ngayon lumilitaw na may utang na kaagad ang PACC ng humigit kumulang sa kalahating milyon dolyares. Bakit nga ba nagkaganoon? At Itong argumentong ito na nagkabuhay sa kaisipan ng mga Pilipino na sumoporta noon na nagdadalawang isip sa palagay ko ngayon at maari na may katanungan namumutawi sa kanilang isipan kung “tutulong pa ba ako o hindi na”?
MPC biglang naging PACC na hind ko ganap na alam ang tunay na kahulugan o hangarin.
Ang MPC napakasimple lang, isang multi-purpose centre hall na itatayo para sa mga Pilipino sa NSW, at para may masabi tayong sariling atin.
Isa ako sa mga nagdadalawang isip ngayon kung tutulong pa ako o hindi na. Iniisip ko rin ngayon ang gaya ng Grand Charity Concert na ipalalabas quarterly kaya o taunan, at hindi kaya magsawa ang mga itatalagang sales coordinator sa pagbenta ng mga ticket. Hindi kaya magsawa ang mga tao kay ginoong accountant na sapilitan daw na pagbenta ng ticket sa mga ito na kliyente niya tuwing bayaran ng buwis tuwing taxation period.
O Di kaya siya magsawa sa pagbenta ng ticket para makalikom ng salapi para mabayaran ang utang ng PACC na kulang sa kalahating milyones. Susmarya! Paano na ba?
Paano na ang mga Pilipinong sumoporta noon sa proyektong MPC na hindi naman pala magkakatotoo.
Pina-asa ang mga pinoy na magkakaroon ng sariling lugar na mapupuntahan at marerentahan sa oras ng pangangailangan ay nag lahong bigla. Pagkaraan ng higit na dalawangpung taong paghihintay ay biglang eto na naman sila — may proyektong napakalaki na inilulunsad ng grupong ito na nagkopong-kopong na naman na kapalit daw ng nabigong MPC project.
Sabi nga raw ng ginoong tax agent na ang “PACC lang daw sa maraming pinoy organisations dito ang nakapagpundar ng lugar o dili kaya ay nakabili ng lupa.”
Diyos por santo naman! noong panahon ng fund raising project na ito ay may pangako sila na isang MPC na itatayo sa lupa.
Hindi naman nila sinabi na bibili ng lupa at pagkalipas ng dalawampung taon ay ibebenta yung lupa at lilipat sa isang mas malaking lugar na bibilhin ng higit sa pinagbentahan. At yung kapunuan na inutang kung kangi-kangino ay ipagpa-fundraising na naman para sa kabayaran sa mga pinagkautangan.
Diyos mio! Hindi ito business venture! At kung ganito naman pala ang hangarin nila noong una pa man, palagay ko walang tutulong sa fund raising project na ito.
Business venture ang nangyari. Lumaki nga naman ang lupa! Pero hindi ito ang ipinangako ng grupo na pinamumunuan ni ginang Luz Tiqui at ginoong Manny Villon. 20yrs ago, ang sabi nila ay magtatayo ng MPC sa lupa sa Rooty Hill. Nasaan na ngayon ang MPC?
Iba po rito sa Australia di po ba? Na pag may pinangako ka na di mo nagawa sa loob ng higit na dalawangpung taon, sasabihin nila na biktima sila ng misinformation.
May karapatan po ako na magtanong dahil sa isa ako sa sumoporta sa proyektong ito na pinangalanang MPC.
Usap–usapan na napakalaking titulo nitong ibinigay kay ginang Luz ang pagiging CEO or Chief Executive Officer! Palpak na MPC fund raising project at ang pagiging Forever Trustee ni ginoong Manny Villon. Hindi ba puedeng ma-amiendahan ang constitution ng MPC na wala ng forever trustees? Kawawa naman yung mga tumulong at sumoporta noon sa MPC na pumalpak. — Boy Galang (no relation to Mr. Neil Galang