(Editor’s Note: Although he is well known to the editor, and as mentioned in the previous month’s issue, this new columnist requested that his real name be withheld. He takes over the column abandoned by Ms. Bless Salonga. Mr. Boy Galang has no relation to Mr. Neil Galang, news reporter of Philippine Sentinel.)
The front page headline of Philippine Community Herald, dated March 2004 that was published more than 8 years ago announced that “MPC heads for completion.” As of today, 23 years since Luz Tiqui and other members of the MPC Board started soliciting donations from the Filipino Community, the project has not materialised.
Paano na yung sumoporta sa MPC noon na ayaw ng makisawsaw sa PACC/PACF ngayon, eh etsa-puwera na lang ba?
Pero ano na nga ba ang magagawa ng tulad ko kundi humiyaw para sana mabigyan ng babala ang mga Pinoy, lalu na ang mga bagong salta na walang kaalaman sa “historya de un amor” na madaling mahikayat? Dapat silang mag-isip at huwag basta padala sa mga ipina-ngangako na ito ay para sa mga Pinoy at para sa sariling atin.
“Mahabang tulay ang lalandasin at walang katiyakan kung may mararating at liwanag pa tayong na masisilayan” .
Kung pagmasdan mo yung bukid na hanggang ngayon ay may utang ng kulang sa kalahating milyon dolyares pa na kailangan bayaran muna, na palagay ko ay aabutin pa ng kung ilang taon. At pagtapos ay ano ang unang gagawin?
May plano bang talaga kung ano ang unang idi-debelop? Sa narinig ko ay “grandstand daw,”at yung grotto na hindi pa natatapos at nakatiwawang, gagastos daw sabi nila ng mga Treinta Mil. Yung bahay na palagay ko ay kailangan ng kaayusan para maging presentable sa paningin, at yung paglalagay ng bakod, hindi naman siguro maganda kung basta bakod lang na alambre o kahoy lang kaya. Palagay ko lang na malaking gastusin na.
Puede sigurong magkaroon ng pag-asa kung magbabago ng pamahalaan, baka sakali! Palagay ko baka mahirapan pa rin. Eh, kung mga propesyonal na kaya ang mamahala?
Sagot ko kay ginoong Accountant (ito yung tawag ko kay Mr. Biala para konsistent) with due respect “Sir” doon sa Ang Kalatas interbyu sa kanya.
Ito ang masasabi ko “Sir” sa yo, di ka kaya magsawa na rin sa pagbenta ng tiket na pinakamahal sa mga kliyente mo?
Kung kumita kayo ng $21,000 last concert, kailangan pala na makapag-produce kayo ng higit sa dalawampung Charity Concert para makalikom ng pambayad sa utang na kulang kulang 1/2 milyon dolyares na isinabalikat ng Philippine Australia Community Center (PACC) ng lumipat ng venue sa Schofield area.
Tama ka “Sir” sa sinabi mo na nag-iisa ka lang, at kailangan ng sampu pa na gaya mo para makamit ang tagumpay ng nabigong fund raising project na kung tawagin noon ay MPC na inilunsad 23yrs ago.
Pero makatarungan ba itong sinambit mo sa mga katulad ko?
Kung iyung halaga ng pinagbilhan ng lupa sa Rooty Hill (MPC) na lang sana ang halaga ng biniling kapalit ng lugar at hindi na naghangad ng mas malaki na gaya ng nasa Schofield ay di na kailangan pa ng sampung accountant na gaya mo. Palagay ko ay maka-uusad na at makapag-papatayo ng MPC na gaya ng nasa modelo na naka-display noon sa Rooty Hill.
Gaya nga ng sabi ko, kaya nai-pundar ang lupa sa Rooty Hill at ang istraktura doon ay sa dahilang may MPC proyektong ipinakikita noon. Ngayon ang lumitaw, parang business venture na lumaki ang lupa pero nasaan na ang proyekto?
At ngayon, magkukumahog na naman sa pagbenta ng tiket ang gaya mo para makalikom ng pera para saan? Para lang bayaran ang interest? Di ba mahirap bayaran yung kulang kalahating milyon dolyares para mabayaran ang utang sa lupa sa Schofield?
NOON, $ 2 raffle tiket lang ang bentahan pahirapan na! Nagtatanong lang ako “Sir” at di ko hinangad na makasakit ng [iyong] damdamin!