MPC — Only in your dreams by Boy Galang

Ayaw talagang magpa-awat ni ginoong [Mansueto] Villon. Sabi kasi niya na nalathala sa April 2012 issue ng Bayanihan News na “he is ready to give way to anybody who would continue to fight for the dream and to take over part of the LIABILITIES of the centre.”

Aba eh, sino naman kaya ang lokong papayag sa kondisyon niya? Sino ang lokong papayag na pukpukin ng bato ang sarili niyang ulo para mai-pagpatuloy ang kanilang “fight for the impossible dream?”

Kahit na ipagduldulan pa na ibigay sa charity ang Schofields [property] eh walang tatanggap dahil kasama pati ang utang na umabot na daw yata sa mahigit $700,000.00.

$34.000 Grant

Galak na galak ang pamunuan ng MPC/PACC/PACF sa grant na galing sa opisina ni NSW Premier Barry O’Farrell na mangagaling din naman sa mga “tax payers,” at ito ay para lang daw sa shed na balak nilang itayo sa likuran ng bahay sa 80 Grange Avenue, Schofields.

Palagay ko, ito yung magiging topic ng pinang-iimbita nila na “information session” na gaganapin sa Schofields sa buwang ito.

Ang grant na ito mga kabayan ay hindi makababawas sa utang ng MPC/PACC/PACF. Kaya tuloy-tuloy na naman ang mga fund raising. Kabi-kabila na naman. Sabi nga nila: “kung ayaw mong tumulong, huwag kang magdada.”

Pang “GISING” lang itong ginagawa ko sa kanila na tila hangga ngayon ay “dreaming” pa. Para na rin sa mga kababayan natin na patuloy na namu-mulestiya sa pamamagitan ng walang humpay na fund raising na ang ipinanga-ngalandakan na ito raw ay para sa sariling atin.

Kung si ginoong Villon gustong maging “HERO,” dapat ay i-donate niya yung $200,000.00 daw na pinautang niya na bahagi ng pampunong kabayaran sa naturang lugar. Pero hindi. Patuloy pang lumalago ang utang dahil sa interest na ibinabayad sa kanya para ipagpatuloy ang patuloy, at tuloy-tuloy na na-antalang proyekto na MPC.

Nakapagtataka nga kung sinong solicitor ng pamunuan ang nakapag-enganyo sa kanila na bilhin ang nasabing lugar na “high risk flood zone” area, na deklaradong-deklarado naman daw [ng Blacktown Council].

Nagkukumahog at nagmamadali silang mabayaran ang lugar na tila yatang may nasilip silang potensiyal na mina ng ginto. Para bang magkaka-ubusan ng bibilhin. Naka “SALE” kaya ito noon? Na kung “SINO-SINO” ang kanilang inutangan para lang mabayaran kaagad ito, kahit hindi pa na-ibebenta ang MPC sa Rooty Hill?

SINO ANG SALARIN?

Updated: 2012-06-01 — 04:22:13