Lilim sa MPC Schofields

Nakita ko ang itinayong struktura sa likuran ng bahay sa Schofields. Hindi ko lang alam kung yun ang disenyo na kanilang napagkayarihan. Parang Rooty Hill style na naman ang mangyayari na hindi terno Walang unipormidad. Hindi ako nagma-marunong. Ito yung bagong struktura sa Schofields na itinayo kamakailan lang, at ang perang ginastos dito ito ay galing sa grant na $34,000 na ibinigay ng New South Wales. Isa sa mga hindi na mabilang na grant na naipagkaloob ng gobyerno mula ng simulan ang proyektong ito.

Ito yung grant na para mabigyan ng lilim ang mga tao na paparoon para hindi mainitan at hindi maulanan.

Makababawas ng init, pag tag-init, at hindi mababasa, pag tag-ulan, pero ang masaklap, hindi ito nakabawas kahit kaunti sa perang inutang ng pamunuan ng bilhin ang lugar na ito.

Ito ang misteryo ngayon. Sino na ang tunay na nagmamay-ari ng MPC Schofields ngayon?

Mula sa pagkabenta ng Rooty Hill MPC, at pagkabili ng Schofields, Kangino na ito?

Ito ba ay pag-aari pa ng lahat ng mga Pinoy na nag ambagan ng simulan ang proyektong ito?

Mukhang nag-iba ang timplada ng kapeng inumin, imbes na tumamis, lalo pang umasim. Mantakin mo na pakiusapan na mag-pledge buwan-buwan ang mga tao! Isa lang ito sa paraan para makalikom ng pondo para lang mabayaran ang inutang na mahigit sa kalahating milyong dolyares mapabilis lang ang transaksyon ng bilhihan ng area sa Schofields na paglilipatan ng MPC mula sa naka-antala pa na bentahan ng Rooty Hill.

NAPAKA-MISTERYOSO ng paraan ng bentahan at bilihan.

Eto yung “ISYU ng PINAKA-ISYU” na hindi puedeng ipagwalang-bahala. Si ginoong Villon ang isa sa nagpautang daw ng $200,000.00, para matuloy ang transaksyon na bilihan sa Schofields. Eto muna yung talakayin natin. Isantabi muna natin yung mga iba pang personahe na nag-pautang din para makumpleto ang kabayaran nung lugar sa Schofields.

Para bang ganito ang sinabi ni ginoong Villon, at palagay, ko isa si ginang Luz na nakaharap noon. Eto yung parang naging usap-usapan nila tungkol dito:

“Sige na, bilhin na natin ng higit isang milyon dolyares ang Schofields. Eto yung $200,000.00 na pera ko na ipinau-utang ko sa inyo (sa MPC/PACC/PACF) at maghanap pa tayo ng magpa-pautang para mabuo ang kakakulangan ng pondo para makuha natin ang Schofields, para matuloy ang ating mga pangarap. Huwag nating i give-up itong ating “DREAM”.

Eto ang “DREAM” ni ginoong Villon at palagay ko kasama din si ginang Luz sa pangarap na ito.

Dahil dito sa “DREAM” kaya naging “FOREVER TRUSTEE” si ginoong Villon.

Ginoong Villon — kung gusto mo na maging forever trustee ka, dapat sana ay i-ABULOY mo na lang sa proyekto yung $200,000 na pera mo. Matutupad ang “DREAM, DREAM, DREAM” na awitin ninyo ni ginang Luz.

Huwag nang magpahirap ng kapwa natin sa walang humpay na fund raising na naman.

Kayong mga namumuno ng proyekto ang may kasalanan ng lahat. Dahil sa kapabayaan ninyo, inabot ng “RE-ZONING ANG ROOTY HILL.”

MAGBITIW NA KAYO NI GINANG CEO SA PAMUNUAN!

Inu-ulit ko. Hinihintay ko lamang na magbitiw kayong dalawa at malalaman ninyo ang tunay kong katauhan.
by Boy Galang

Updated: 2012-10-03 — 04:35:40