Planong ibenta ang MPC

Ayon sa balitang nasagap ko ay may planong ibenta ang MPC sa Schofields!

Ang ” Field of Dreams” ibebenta! WOW! Tsk! tsk! tsk! tsk! tsk!

Sino na naman kaya ang nag-magandang kalooban at nag-magandang kaisipan na nagmungkahi nito?

Mga kababayan, tuluyan nang nadiskaril ang PAG-ASA TREN sa landas na gustong puntahan. Hindi na talagang makararating.

Makatotohanan man o hindi ang balitang ito, ang magiging resulta ay isa lang: TALO na naman ang Filipino Community na uma-asa sa mga pangarap na ipinangako nang magagaling na pamunuan ng Philippine Australian Community Foundation (PACF).

Biglang naging “Field of Multi-Purpose Dreams”!

Biglang naging taniman ng gulay na ipag-bibili sa murang halaga kay Pinoy.

Pagkatapos, biglang ang Schofields [property] na ang ipinagbibili! DIOS MIO! Ano na ang nangyayari sa kanila? Nagka Alzheimer’s na ba silang lahat na biglang lumiko sa biglang liko?

O baka naman kaya nagkaka-singilan na, o kaya binabawi na nang iba yung mga perang kanilang pinagpaluwal nang bilhin ang Schofields?

Sa palagay ko lang, kung ipagpapatuloy ang fund raising para sa proyekto, kailangan ang “Eksperto” na ang italaga na mamuno, at hindi talaga u-ubra ang kasalukuyang “CEO.”

Kung gawing business venture naman ay madali sa palagay ko, dahil mga business minded yung karamihan sa kanila. Pag natuloy ang bentahan mayroon sa palagay ko na makikinabang.

Pero! Paano na si Pinoy? Si Pinoy na umasa sa mga pangarap na ipinangako na may isang MPC na itatayo para sa kanya.

Alam ko na maraming nagtataka kung bakit ganito ako ka kritikal sa mga pangyayari. Isa po ako sa nakapag-ambag ng kaunting donasyon, kaunting hirap, at kaunting pagod, nang ilunsad ang malawakang kampaya para sa proyektong ito sa Rooty Hill noong taong 1990.

Napakaganda ng ilarawan nang pamunuan ng MPC ang “Bisyon ng proyektong Multi-Purpose Centre na para kay PINOY.

Maraming natuwa at naenganyo, kaya marami ang sumakay at nakisakay sa PAG-ASA TREN sa pag-aakalang masisilayan at mararating ang dakilang ipinangako, na mapapako lang pala.

Maraming dapat ipaliwanag kay Pinoy ang pamunuan ng MPC o PACF na ngayo’y tinagurian nilang Philippine Australian Cultural Centre.

MAGPALIWANAG KAYO!

Updated: 2012-12-04 — 19:50:40