Magandang araw po sa inyong lahat na mambabasa ng Philippine Sentinel, lalo na sa mga taga-subaybay ng kolum na ito.
Isang isyu lamang ang tinalakay ko sa kolum na ito sa loob nang halos dalawang taon na nagdaan. Isang isyu lang, at ito ang proyekto ng Pilipino Multi-Purpose Center (MPC) na pinagbibidahan ng magiting na Chief Executive Officer. Hindi ko mawari kung bakit CEO ang titulo na ibinigay sa kanya, na mukhang gustong-gusto naman niya. Akala niya siguro, o sa pantasya niya ay isang malaking korporasyon ang hawak niya. Malaking karangalan baga?
Ang titulong CEO ay hindi basta-basta na puedeng itawag sa isang taga pangasiwa ng isang bagay, isang maliit na bagay na katulad ng proyekto na MPC na ang tawag nila ngayon ay “Philippine Australia Cultural Center” (PACC).
Bago ka maging CEO, sa palagay ko ay kailangan kang maging experto sa larangan ng Industriya, at malawak ang kaalaman at karanasan mo sa pag-unlad ng isang negosyo na nakatulong sa kaunlaran ng ekonomiya ng bansa, at ng mga mamamayan sa iba’t ibang sektor ng lipunan. CEO ng isang proyekto na ipinanghihingi lang ng pera para maipagawa, at sa nakalipas na halos dalawampu’t limang taon na hangga ngayon ay patuloy pa rin na pinangingilak ng pera dahil sa bagong pondo na inutang noong bilhin ang nilipatang lugar sa Schofields. Sabi nga ng intsik: “WAPELO PALPAK CEO”…
PALPAK! Ito ang salitang maririnig mo sa karamihan ng mga kabayan na nakatulong dito ng simulan ang proyektong ito. PALPAK ang bidang CEO at ang supporting chairman na si Manong V.
Malabo at tila ayaw nila ng liwanag. Ayaw magbigay ng pahayag kung ano na ang estado ng proyekto.
Kung magpapatuloy ang ganitong sistema, paano na, at ano ang pag-asa na maisakatuparan pa ito?
Kung tatanungin natin ang nakararami sa ating mga kabayan, ang tiyak na magiging kasagutan ay wala nang PAG-ASA.
Wala na raw silang kumpiyansa sa mga namumuno nito.
WALA NG KUMPIYANSA ang masa. Pag ganito ang damdamin ng mga kabayan natin ay paalam na. BAKA MAREMATA. PAALAM.
Editor’s Note: As in the previous issues, Philippine Sentinel does not endorse the contents of the above article written by Mr. Boy Galang which is purely his own opinion. Mr. Galang is a real person and is willing to respond to any comments made by the readers or any of the officers of MPC. Comments may be addressed to the Editorial Board of Philippine Sentinel or directly to: <dinocres2@hotmail.com>