Maligayang Pasko po at Manigong Bagong Taon sa lahat ng tumatangkilik sa aking kolum.
Napakabilis lumipas ng panahon. Pakiramdam ko tuloy, bumibilis rin ang aking pagtanda. Kung ako ang tatanungin, ayoko pa na matapos ang taon. Ang gusto ko PASKO na lang, PASKO palagi. Kaya lang, walang makapipigil sa paglipas ng panahon. Lilipas at lilipas din ang Pasko.
Ngayon ko lang napagtanto na tama ang sinasabi ni Lolo noong bata pa kami ng mga kapatid ko at pinsan. Masaya siyang nagmamasid sa amin habang kami ay naglalaro ng basketball sa napakalaking bakuran sa likuran ng kanilang bahay. Antigo ang bahay ng mga lolo at lola namin. Panahon pa yata ng mga kastila nang maitayo ito.
Kapag bakasyon, puntahan na kami kina Lolo, halos kaming lahat na magkakamag-anak. Masaya kaming lahat na nagtitipon-tipon dito. Si Lolo — lagi siyang masaya kapag dumarating ang ganitong panahon.
Hindi ko malilimutan ang mga katagang lagi niyang sinasabi sa amin:”tatanda at lilipas din ako ngunit mayroon akong magandang ala-ala na iiwanan sa inyong mga bata.”
Naa-ala-ala ko tuloy si Florante tuwing sasagi sa isip ko yung sinasabi ng Lolo ko.
Sa puntong ito, ang hindi ko rin malimot-limutan ay yung sabi ni Ginoong Villon na “don’t give-up your dreams”. Ibig niyang sabihin ay huwag nating isuko ang mga ito, ang pangarap nating mga Pinoy na magkaroon ng sariling Multi-Purpose Centre (MPC) dito sa Australia.
Nakakatawa! Hehehehe! PANGARAP LANG PALA!
Balikan natin ang nakalipas na Dalawampu’t Limang taon. Balikan natin ang nakaraan.
Maraming nagsasabi na ang naumpisahang MPC project sa Rooty Hill ang siyang tunay na dapat na makapagbibigay ng katuparan sa mga pangarap na ito, kung nagtuloy-tuloy lang sana, at hindi nagpabaya ang mga taong nagpasimuno nito.
Naumpisahan at nakapagtayo na nga ng istraktura na kung saan dinaraos ang meeting ng mga namumuno dito. Ang istrakturang ito ay mas higit na maganda kumpara sa lumang istraktura na kasalukuyang nakatayo sa nilipatang lugar sa Schofields na binili sa napakalaking halaga na halos doble sa halaga ng presyo nang napagbentahan sa Rooty Hill.
Marami ang hindi nakaalam sa madaliang desisyon na ibenta ang Rooty Hill. Walang kunsultasyon sa publiko. Walang pahayag kung bakit ibinenta ang Rooty Hill, at “BINARGAIN SALE” pa mandin. Pagkatapos nga, binili ang Schofields sa napakalaking halaga bilang kapalit nito. Walang pasintabi, walang ibinigay na paliwanag.
Sa palagay ko lang, di nila alam kung paano ipapaliwanag na walang mapoprobetso ang mga Pinoy na nagtulong-tulong ng pangi-ngilak ng pera para sa proyektong ito. At para nga siguro na makalusot sila sa gusot dahil sa rezoning na nangyari sa Rooty Hill ay binili ang Schofields para maipakita na lumaki na. Nagbunga ng malaki ang investment project nila para sa mga Pinoy. Biglang naging parang business venture na.
NADISKARIL! Nawala na sa tunay na patutunguhan ang bisyon ni Ginoong Villon at ni Ginang CEO: “Tatanda at lilipas din kami at walang magandang nagawa na iiwanan sa inyong ala-ala.”
Matanung ko lang: Malilimutan ba ninyo ang inyong kontribusyon sa hindi natapos na MPC?
Mr. Alberto Prias was quoted by Bayanihan News as saying: “There is a need for support from the Philippine Community to pay off the $400,000 interest in 6 months; otherwise we will lose the thing that we have worked on for years.”