Kung Hei Fat Choi — sabi ni Kabise. Katatapos lang kasi Chinese Lunar Year. Sampung buwan na lang, Pasko na naman.
Tapos na ang Australia Day. Nagsimula na ang School Term. Sa Marso — Clean Up Australia Day na, at pagkatapos nito magsisimula na ang Mahal Na Araw, o ng tinatawag na Semana Santa (Holy Week).
Pagkatapos, kaarawan ng karamihan. Pag tapos na ang aral, Graduation Day na. Sa mga magkasintahan, kasalan blues na — nang babae at lalake,…. babae at babae, at ng lalake sa lalake.
KASALAN, babae sa babae, lalakwe sa lalakwe — wow naman!
Lalake sa lalake, mga katagang naririnig ko noong bata pa ako pag may naghahamon ng away. Tsk,tsk, tsk! Ngayon naman, KASALAN! Ano ba yan! Pambihira ano po? Sa palagay ko, resulta na rin ito ng tinatawag na “Climate Change”.
Isipin ko lang ang sinasabi ng nagsasagawa ng seremonyo matrimonyo na ganito: “Ikaw Lalake, tinatanggap mo ba na maging asawa ang Lalaking ito”? “Sigue mag asawa na kayo!
“At ikaw Babae, tinatanggap mo ba na maging asawa ang Babaing ito?” Sigue mag asawa na kayo!
“MAGPARAMI KAYO!” PAPAANO? Nakatatawang isipin.
Lalake at Babae — Maaring magpadami. Pero, teka muna…Eskrima at pompyang? Pero NAGAWA NA ANG BATAS. Kaya tuwang-tuwa si brother at si sister. Hehehe. Happy love making.
Na uso na ang bangayan sa mga organisasyon kaya yung pagkaka-isa ay biglang naging pagkaka-dalawa.
Mismong Philippine Community Council (PCC) na sinasabing “payong ng mga organisasyon ng mga Pinoy dito sa Australia ay sumabog na rin sa lakas ng mga kalamidad na dumarating, kaya yung PADER (Philippine Australian Disaster Emergency Relief) na sinasabi nila, malamang na magigiba na. Kung yung Berlin Wall, nagiba — yun pa ba ang hindi matitinag? Kaunting tadyak lang palagay ko, magigiba na rin ito. Yung bisyon ng PCC na pagkakaisa noon pa ay walang katatagan, masaya lang sila pag “Araw ng Kasarinlan Ball.” May RIGODON pa sila. Payabangan sila. Tradisyon daw ito, kaya sa mga Pinoy, tradisyon din ang yabangan.
Kaya nga ang pamunuan ng Filipino Multi-Purpose Centre, o PACC/PACF nakapagmamalaki na kumpara daw sa lahat ng Pinoy organisasyon dito sa Australia, sila lamang ang may naipakitang konkretong proyekto.
Naipagmalaki noong araw, pero ngayon Laila De Lima nila ito dahil hindi na ito matatapos, sa palagay ko lang. Malaking pera at hindi barya ang kailangan para tapusin ito. Mahirap at ayokong isipin yung rematahan blues.
Ginang at Ginoo, yung legacy na iniisip ninyo ay hindi matutupad, dahil ang proyekto ninyo ay hindi matatapos.
Mananagot kayo sa mga tao na nagpakahirap tumulong nang simulan ang proyektong ito dalawampu’t limang taon na ang nakakaraan, tama ba ako? Silver Anniversary. May handaan ba? Kaysa gumastos, ipambayad na lang kaya sa utang, para hindi maremata!