Manny! Manny! by Boy Galang

Iyan ang maugong na sigaw nang marami na narinig sa MGM Grand, Las Vegas Nevada bago maganap ang ikalawang bakbakan nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley.

At ang maugong na sigaw na ito ay nagpatuloy na kumulingling sa teynga ng mga manunood nang mag-umpisa na ang labanan. Sa palagay ko, replay na lang ito nang unang bakbakan nila.

Pero siyempre nangangamba pa rin ako. Baka madaya na naman ang resulta ng labanan, at baka matulad na naman ito noong unang magsagupa sila.

Sa pagtatapos ng ika-labing dalawang round, muling dumagundong ang sigaw na Manny, Manny , Manny, MONEYYYYYY!

Money, ito yung patuloy na naririnig ko nang tumunog ang kampana na patunay na ang bakbakan ay tapos na. Malaki ang pangamba ko, pero malaki rin ang paniwala ko na nanalung muli si Pacman sa laban, kaya noong inanunsiyo ni Michael Buffer ang score na “unanimous decision” sa panig ni Pacman, may parang biglang nabunot na tinik sa dibdib ko.

Laking tuwa naming lahat, ng pamilya ko at mga kaanak, at mga kaibigan na kasama ko na nanunuod ng labanan sa Pay per View ng araw na yun. Laking pasasalamat ko sa Diyos. Sa palagay ko lang, si Manny ay isang Emmanuel na mula sa Langit na inihulog sa Saranggani. Sa isipan ko lang naman ito. Ewan ko sa inyo.

Si Pacman lamang ang kauna-unahang propesyonal na boksingerong Pilipino na nagkampeon sa Mundo, at nakasungkit ng walong titulo sa boksing sa iba’t ibang timbang sa larangang ito.

Nasa sa Guinness Book of World Records din kaya si Pacman? Siempre naman!

Mga Pinoy na nahilig sa paglikha ng World Record: Kamakailan lang, naitala yung may pinakamahabang barbekyuhan sa Mundo ng libo-libong tao ang sabay-sabay na nagbarbekyu ng mga isda sa Pangasinan. Noong mga nakaraang araw, yung namang may pinakamaraming naitulos at nailawang kandila, libo-libong tao rin ang kinailangan para sa record na ito.

Libo-libong tao ang kailangan para makalikha ng isang Guinness Record.

Si Pacman mag-isa lang nakalikha ng Guinness World Record na sa palagay ko ay mahirap nang parisan o mahigitan pa. VIVA!

Mga Pinoy ang isa sa mga lahi dito sa Mundo na may mahabang pasensiya.

Kung ang Pasensiya kasali sa Guinness, malamang na nasungkit na rin natin ang record na ito.

Ito yung pasensiya ng mga mahihirap na patuloy na dumaranas ng kahirapan, yung bang paulit- ulit na maging biktima ng kalamidad — record na rin yun, at yung mga donasyon na sa palagay ko ay ubod ng dami at ito yung para sa mga biktima nitong [bagyong] Yolanda, halos lahat ng Bansang nakaririwasa ay nagbigay ng donasyon. Sa dami, hindi malaman kung sinong bibigyan at yung iba hindi na talaga ipinamigay.

Mayroon akong nabalitaan na isang TV personality sa Amerika na nagsamantala sa donasyong nakolekta para sa Yolanda. Hindi na rin daw ipinamigay. Kim daw ang pangalan. Kinimkim daw niya.

Paala sa mga botante para sa eleksyon 2016 — huwag IBOTO yung mga naugnay sa Pork Barell SCAM ni Janet Napoles.

Updated: 2014-05-16 — 21:09:10