Kamakailan bago magpasko, ay inilarawan ng ating magiting na Tresorero na si Joe Hockey ang kanyang Mid-Year Economic and Fiscal Outlook na hindi maganda. Ang inaasahan niya na magiging kakulangan ng kanyang May budget 2014 na $29.8 bilyones sa loob ng isang taon, ay lumobo ng $40 bilyones sa loob lang ng pitong buwan.
Mantakin mo ang naging kakulangan nito. Dadag at Bawas — Bawas at Dagdag na nga ang sistema, ganito pa rin ang nangyari. Ang pangako nila na maiipon na pera sa kaban ng bayan ay maaantala hanggang sa taong 2020, na sa aking palagay ay hindi mangyayari kailan pa man.
Ito ang kanilang ipinangako nuong bago mag- eleksyon na kung sila ang mananalo ay makapag-iipon ng “surplus” na higit sa $200 bilyones sa loob ng tatlo o apat na taon. Ang pangakong ito na hindi naman nila sinabi kung paano, at kung saan ito kukunin. Kung sinabi lang nila, inuulit ko — kung sinabi lang nila na ito ay kukunin sa bulsa ng mga mamamayan, at kukunin sa mga pondong babawasin, ano sa palagay ninyo, mananalo kaya sila noong nakaraang eleksyon2013?
Ipalagay na lang na $40 bilyones na ang naging kawalan sa loob lang nang pitong buwan, gawin nating $80 bilyones sa loob nang isang taon ang magiging kakulangan. Kung tama ang kuwenta ko sa tatlong taon, ang magiging kakulangan ay hihigit sa $200 bilyones. Ang sabi nga ng mga expertong economista na ang paglobo ng kakulangan ng budget ay magtutuloy-tuloy sa loob ng apat na taon.
Sabi ng mga economic forecaster na sa ikatlong termino ng gobyerno ng Liberal at Koalisyon pa lang makapagsisimula nang makaipon ng pera sa kaban ng bayan na galing sa budget kung magtatagal pa si Joe sa posisyon niya sa susunod na taon. Ito ay mangyayari daw kung magtatagal pa ang Liberal at Koalisyon sa gobyerno sa darating at susunod na eleksyon.
Maraming sangay ng gobyerno ang masisibak simula sa taong 2015, at alam naman natin na sa bawat sibak-bawas na mangyayari, katakot-takot na sibakan din sa trabaho ang maaasahan natin. Tataas ang bilang ng mga mawawalan ng trabaho. Ito ay ayon na rin kay Joe. At tila, masasabay pa ito sa pagtaas ng mga bilihin.
Sabi pa ni Joe na ginamit nila ang lakas ng budget na “Shock Absorber ” budget — “Shock Absorber” na gagamitin sa biglang pagbaba ng presyo ng halaga ng mga mineral sa kalakalang internasyonal. Yung dating $92 per ton na presyo ng “iron ore” ay naging $60 per ton na lang. Ang halaga ng “coal at wheat” ay bumaba rin. Ito ang mga pangunahing mineral at produkto ng Australya na nag-aakyat ng pera sa kaban ng bayan. Magulo! Hindi ko rin matanto kung ano ang gusto niyang sabihin. Ang pagkakaalam ko na “shock absorber” ay sa mga sasakyan lang, gaya halimbawa ng kotse na kapag walang “shock absorber”ay randam na randam mo ang tigas ng dinaraanan mo maging ito ay lupa, aspalto o kaya sementadong daan. Paano pa kaya kung ang dadaanan mo ay lubak-lubak, at mabato? O kaya yung papasok ka pa lang sa driveway na may mababang “gutter”, ay mararandaman mo na sasayad ang ilalim ng sasakyan mo. Kaawa-awa naman ang sasakyan, ang puwit at katawan mo sa mga daanan na ganito ang kundisyon.
Paano gagamitin ang budget na “shock absorber” sa pagbaba ng halaga ng presyo ng mga mineral ore, coal at wheat sa kalakalan sa Ibayong dagat? Ang pagpupuno ng kakulangan ay malamang na mangagaling sa tawag niya na budget “shock absorber” Nakaka shock talaga.
Sino ang tunay na may-ari ng MPC sa Schofields?
Binabaha yung lugar. May bibili kaya? At kung puede sana na ipahayag sa pamamagitan ng mga lokal na pahayagan ang hakbang na ito.
Saang lugar nila ililipat? Alalahanin sana nila na wala ng murang halaga ng lupa ngayon dito sa Blacktown at sa mga karatig na suburb.