Agresibong masyado ang kilos ng Tsina sa pag-angkin ng mga isla sa Spratlys sa West Philippine Sea. Mga ISLA, sa dahilang, hindi lang isa ang kanilang ina-angkin. Lahat yata at kabilang na dito yung mga ina-angkin ng mga Bansang magkakalapit kagaya ng Pilipinas, Vietnam, Malaysia, Brunei at Taiwan, at maging Japan na minsan nang sumailalim sa kanilang kapangyarihan ang buong Pilipinas nuong Ikalawang Digmaan Pandaigdig.
Sa maikling panahon, naipamalas ng Tsina ang lakas at kapabilidad nila na maghari sa bahaging ito ng Mundo. Ang mabilisang paggawa ng mga imprastraktura sa mga Isla na masasabing may malaking potensyal na makapagdudulot ng malaking pakinabang sa bansa nila at sa mga mamamayan nito.
Kitang-kita ang ebidensya na agad-agad na naitayo ang mga gusali, airport at runway sa lugar na malapit na malapit sa teritoryo ng Pilipinas. Ito yung lugar na tubigan pa lang nuon na pinangingisdaan ng mga mangingisdang Pinoy mula pa yata noong dekada sitenta (70). At dahil nga sa kalapitan nito sa Pilipinas ay masasabi natin na tunay tayong may karapatan na angkinin ang bahaging ito ng Spratly.
Ang mga bansang magkakalapit na tulad ng Pilipinas, Brunei, Tsina, Malaysia, Taiwan, at Vietnam ang masasabing may mga lehitimong karapatan na umangkin ng mga bahagi ng Spratly Islands. Ang mga lehitimong karapatan na pag-angkin ay naidulog na sa United Nations.
Ito ay ayon sa napagkasunduan sa ilalim ng batas at panuntunan ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), na sinang-ayunan ng mga bansang nabanggit na may interes dito. Ang hindi ko tiyak ay kung kasama ang bansang Tsina sa mga pumirma ng kasunduang ito. Sa mga huling balita at sa mga ikinikilos nito, mukhang binale-wala na ng Tsina ang mga karapatan ng mga bansang nabanggit, na mag-angkin ng bahagi ng Spratly Islands kahit sakop pa, ng kani-kaniyang “territorial boundaries” at binali-wala rin ng Tsina ang napagkasunduan sa ilalim ng batas at panuntunan ng UNCLOS.
“Disputed” pa ang lahat ng mga ito. “Disputed” pa ang lahat ng mga nakadulog na karapatang mag may-ari ng mga bahagi ng Spratly Islands sa United Nations, at “disputed” pa ito hanggang sa ngayon. Pero iba ang pananaw ng Tsina! Wala nang “dispute-dispute” pa.
Ayon sa TSINA, sila raw ang tunay na may-ari buong Spratly IsIands. O ngayon, matanong ko kayo. Ano ang masasabi ninyo? Sino ang may reklamo sa inyo? Tsinong may reklamo sa inyo? Tsinong masusunod?
Para bagang may malakas na APOY na nagbubuga sa BUNGANGA NG DRAGON.
Malaki at malakas sa ngayon ang bansang Tsina, sa pera, sa teknolohiya, sa lakas-militar sa lupa, sa tubig at sa kalawakan at higit sa lahat, sa dami ng populasyon nito. Dito galing ang lakas at kapangyarihan nito, at sa kasalukuyan ay wala ng makahihigit pa na bansa saan mang sulok ng daigdig. Sa palagay ko, maging ang bansang Estados Unidos, Russia at iba pa na makapangyarihan nuon ay nahigitan na nila ngayon.
Wala silang problema na maghari sa bahagi ng mundong ito. Hindi na dapat mapatunayan pa. Wala na silang dapat na patunayan. Gusto nilang maging Big Brother dito sa Asia. Pero sa katunayan, sila ay Big Bully. At sa palagay ko pa rin ay wala silang problema na magagawa ito.
Leader at Police Power dito sa Asia?
Ito ang panawagan ko sa Tsina at sa mga Tsino.
Kung gusto ninyong maging Leader at Police Power at Big Brother sa buong Asia, huwag na ninyong awayin ang maliliit na bansang katulad ng Pilipinas. Huwag na ninyong agawan ng makakain tulad nang inyong pagnanakaw sa mga huling isda naming mga Pilipino sa aming karagatan.
Magbigay kayo ng tulong sa lahat ng mga bansang nakapaligid sa inyo.
Huwag na ninyong angkinin ang buong Spratly Islands!
Thank you for this!