Katatapos lang ng halalan sa Pilipinas nuong ika-9 ng Mayo. Maliwanag na ang dakilang Alkalde ng Davao na si Rodrigo Duterte ang nagwagi sa halalang naganap, at siya ang uupong bagong Pangulo ng Bansang Pilipinas sa darating na buwan.
Pangamba ng mga taong tulad ko, kung anong sistema ng pamamahala ang gagamitin ni Duterte.
Ang maugong na balita nuong kasagsagan ng kampanya ni Duterte ay “kamay na bakal” ang kanyang gagamitin sa pamamahala kung siya ang magiging pangulo ng bansa. Ang ganitong pamamahala sa bansa ay nakapangangamba — may kabutihan, pero mas higit ang kasamaang maaring idulot nito sa mga mamamayan. Ang mga Pilipino ay nakaranas na ng ganitong uri ng pamahalaan nuong panahon ni Marcos.
Ang napakalaking katanungan ngayon, nanaisin kaya ng mga Pilipino na magbalik ang ganitong uri ng diktadura? Mas gusto ba nila ito kaysa sa isang malaya at makataong pamamahala ng bansang Pilipinas? Ipagpapalit ba nila ang kalayaan na tinatamo sa kasalukuyan?
Hindi gaanong naurirat ang pagkatao ni ginoong Duterte dahil sa napakaikling panahon at dahil na rin sa urong at sulong kung siya ay tatakbong pangulo bago mageleksyon. Bigla na lang nagdeklara na tatakbo sa pagkapangulo sa mga huling sandali. May umurong na nakarehistrong kandidato na sa palagay ko ay sinadya ito na ireserba ang posisyon para kay Duterte.
Ang mga pangyayaring ito ang naging hadlang sa pagkapangulo nina Binay, Roxas at Poe na nausisang mabuti at nabunyag maging ang pinakamaliit na sikreto at mga kamalian ng kanilang pagkatao..
Ang pinakamasaklap na nagtamo ng malaking sugat ay si Binay, na mahigit isang taon na namayagpag sa pulso ng bayan na siyang susunod na pangulo ng bansa. Ang mga bintang na katiwalian laban sa kanya, at ang pagsisiwalat ng malawakang pangungurakot ng mga Binay sa Makati na dininig sa Senado ay nagbunga. Sa naging resulta ng halalan, mapupuna ang naging hatol ng bayan na siya ay totoong nagkasala…Tsk! tsk! tsk!
Ang natamong boto ni Duterte ayon sa huling ulat ay mahigit sa Labing-limang milyong boto na sa aking palagay ay hindi sapat na masasabing mayorya, sa dahilang wala pang limangpung porsyento ang katumbas nito base sa talaan ng Comelec na mahigit sa 43 milyon botante na nakarehistro para sa halalang ito. Halos 37% porsyento lamang ito, samantalang higit sa 27milyon ang may ayaw sa kanya pag pinagsama ang mga boto nina Roxas, Poe, Binay at ni Miriam Santiago.
Ang nakapangangamba ngayon ay kung bibitiw siya sa puwesto pagkatapos ng 6 na taon na siyang termino ng Pangulo na nakasaad sa saligang batas sa kasalukuyan. Sa mga binitiwan niyang salita sa mga panyam sa kanya—mga katagang magtatayo siya ng isang rebolusyonaryong pamahalaan, at ang napipintong pagbabago, na ang bansang Pilipinas ay magiging isang Federalisimong Estado.
Hindi pa nakapagsisimulang manungkulan ay mayroon ng nagbabantang pag amiyenda sa kasalukuyang saligang batas ng Pilipinas. Pag ganito ang tema ng kaisipan ng isang Pangulong tulad ni ginoong Duterte ay malamang na hindi na ito bababa sa kanyang kinalalagyan. Ang “Charter Change” na isang mekanismo na gagamitin sa pag-amiyenda ng kasalukuyang Konstitusyon ng bansang Pilipinas ay maaring susugan sa kamara.
Ang kanyang masamang kaisipan ay nabunyag nuong ika-12 ng Abril 2016 habang siya ay nangangampanya. Ito ay galing sa bibig niya mismo. Ang nangyari nuong 1989 tungkol kay Jacqueline Hamill, isang Australian Lay Minister sa Pilipinas at isa sa 17 bihag ng mga bilanggo sa Davao nuong taong iyon. Mga misionero na nagbibigay ng lingguhang paglilingkod na maka-Diyos sa mga bilanggo. Isa si Jaqueline na sinamang-palad na masawi sa pangyayaring iyon.
Ito ang sinabi at kuwento mismo ni Duterte. Transcript ito:
“Ni-rape nila lahat ng babae, so yung unang casualty, kasi nag-death threat sila. Naiwan yung ginawa nilang cover. Isa yung lay minister na Australyana.” “Tsk, problema na ito. Ang Australyanang ‘yun kasi, sige na ang tawag eh. “Paglabas, binalot. Tinignan ko yung mukha. Tang-Ina, parang si, parang artista sa Amerika na maganda.”
“Putang-ina sayang! (Laughter) Ang napasok sa isip ko, ni-rape nila, pinag-pilahan nila lahat do’n. “Nagalit ako kasi ni-rape? Oo. Isa rin ‘yun. Pero napakaganda. Dapat, ang mayor muna ang mauna (Laughter) Sayang”.
Dios na maawain! Paano natanggap ng mga Pilipino na hirangin ang ganitong klaseng tao na maging pinuno ng Bansang Pilipinas