Malapit nang matanggal sa puwesto si Trump
Sa kasaysayan ng pulitika sa makabagong panahon, si Donald Trump lamang ang bukod-tanging ang kaisipan ay hindi normal. Naiiba siya sa lahat ng naging pangulo ng Estados Unidos ━ ang bansa na isa sa pinaka-malakas, pinaka-mayaman at pinaka-makapangyarihan sa mundo.
Kakaiba at hindi normal ang kaisipan ng kasalukuyang Pangulo ng bansang Amerika. Hindi kapita-pitagan at hind kapuri-puri ang kanyang pagkatao. Walang kalidad, napakasinungaling niya. Malamang na mailagay ang pangalan niya sa “Guinness World Records” na “pinaka-sinungaling” na naging Pangulo ng isang bansa lalo pa ng Amerika.
Umabot na sa “5,000” o limang libong puntos na nakaliligaw na mga pahayag na kaniyang binitiwan mula ng maupo siya bilang Pangulo ng bansa.
Ang detalyeng ito ay galing sa Washington Post. Ito ang kabuuang bilang na nakatala noong ika-animnapu’t-isang araw niya bilang pangulo ng Amerika. Nakagawa siya ng mahigit isang daang nakaliligaw na pahayag sa loob lamang nang isang linggo.
Pinipilit niyang ituwid ang kanyang mga kamalian at pilit niyang binabaluktot ang mga katotohanan. Noong ika-pito ng Setyembre ng taong ito, “Trump set his one-day record of 125 untruths” o maling pahayag ayon sa Washington Post.
Sa loob lamang ng isang araw ━ ang mga nakaliligaw na mga pahayag ay tungkol sa economiya ng Amerika. Mula raw nang siya ang naging pangulo ay mabilis na umunlad ang ekonomiya ng Amerika.
Maunlad ang Amerika noon pa, medyo naghirap ng kaunti noong giniyera ang Iraq at Afganisthan. Maraming salapi ang sumabog at nasunog, at maraming buhay ang mga nasawi sa digmaang ito. Nagsimula ang pag unlad ng Amerika sa pamumuno ng isang matino at hindi mainiting-ulo, ang sumunod na nahalal na naging pangulo ng bansang Amerika ━ si Barack Obama ━ isang pinuno na kapuri-puri ang pagkatao. Si Obama ay magalang at hind mayabang. Pawang katotohanan ang lahat na salitang nangagaling sa puso at sa isip.
Kabaligtaran ni Donald Trump. “Tiririt nang tiririt” ng mga kasinungalingan. Bistado na, “hirit pa rin nang hirit.” Ipinagmamalaki niya na mabilis na umunlad ang ekonomiya ng Amerika mula nang maupo siya. Pero sa halip, bumagal nga ang pag- unlad dahil sa walang katiyakan ang pamumuno niya.
Marami siyang nagiging problema sa lahat ng mga ginagawa niya. Binubusising mabuti ng mga oposisyon. Yung imbistigasyon ni Robert Mueller, mukhang papunta na sa kanya. Mukhang may katotohanan ang hinalang may Russian Collusion at Obstruction of Justice. Problema niya pag hinanap ang kanyang Income Tax Return. Maraming mauungkat na hindi kanais-nais sa buhay niya..
May bagong aklat na nakatakdang ilunsad. Ang may akda ay si Bob Woodward, isang beteranong mamamahayag ng mga buhay-buhay ng mga naging Pangulo ng bansang Amerika. Sa libro, sinasabi niya na walang alam sa pamamahala ng pamahalaan ng bansa si Donald Trump. Nakatatakot daw ang pamamaraan at wala rin daw na katulad ito sa mga nagdaang pangulo na pawang totoo ang mga pinagsasabi. Si Trump ay puro kasinungalingan.
Sabi ni Trump na pawang kasinungalingan ang pinagsususulat ni Woodward. Sabi niya na ang mga nakasulat dito ay naisulat na rin sa libro ng isang mamahayag na katulad ni Bob Woodward. Wala raw bago rito. Samakatuwid, ang mga aklat na ito ang nagpapatunay na pawang katotohanan ang alegasyon na bobo si Donald Trump.
Malapit na malapit na ang panahon mo, Trump. Masisibak ka na sa puesto!