Misteryo ang paglago ng kayamanan ni Trump! by Boy Galang

Totoo kaya ang mga deklarasyon ni Donald Trump ng kanyang kabiguan sa negosyo na nagsimula noong taon 1970 hanggang 2000-2008?

Taong 1995 nang magdeklara siya ulit ng pagkalugi sa negosyo ng halos $1 bilyong dolyares. Ito ay ayon sa impormasyon sa kanyang “income tax return” na isinumite sa Internal Revenue Service (IRS). Hindi pa kasama sa bilang yung 2008, ang ika-apat na beses na pagdeklara niya ng bangkarote sa kanyang mga negosyo. At ito rin marahil ang naging dahilan na libre siya na hindi magbayad ng buwis ng dalawampung taon.

Sa palagay ko, may malakas na opisyal ng pamahalaan ang kinapitan, at may magaling na accountant si Trump na nagmamani-obra ng kanyang “income tax return” na katulong niya sa mga bagay-bagay na tulad nito. Malaking naitulong din ang kanyang kapatid na si Maryanne Trump Barry na isang hukom sa “US District Court” sa New Jersey kung saan naroon ang kanyang mga “gambling casinos.”

May isang kasapi sa negosyo si Trump na ang pangalan ay Joseph Weichelbaum. Ito ang may-ari ng kompanya na naglilipad ng mga bigating tao sa pamamagitan ng helicopter patungo sa mga casino ni Trump sa New Jersey. Si Weichelbaum ay kasalukuyang nakatira sa Trump Plaza sa Manhattan noong panahong iyon, hanggang sa maaresto siya sa kasong “drug trafficking” na dininig sa korte ng Ohio.

Si Weichelbaum ay napatunayang nagkasala. Bago mahatulan, ang kaso ay inilipat sa korte sa Newark kung saan ang hukom na si Maryanne Trump Barry ang nakatalaga. Kaagad na ipinasa ni Hukom Trump Barry sa isang kaibigang hukom din ang pagpataw ng parusa kay Weichelbaum na nahatulan ng 3 taong pagkabilanggo.

Magaang ang parusa. Pagkaraan nang mahigit sampung buwan, parolado na agad si Weichelbaum. Napakawalan na sa kulungan.

Ang “Mandatory minimum sentence” sa “Drug Trafficking” ay 10 taong pagkabilanggo. Ito ang pinaguutos ng batas sa America. Ito marahil ang anomalya dito na kinasangkutan ni Trump noon na sumulat sa korte na kung maari, na patawan nang magaan na parusa si Weichelbaum.

Ito ay isa lang sa mga maraming ebidensiya ng mga katiwalian sa pagkatao ni Trump. Mula sa taong 1970 hanggang sa paglipas ng siglo, ay isang napakahabang listahan ng kabiguan sa kanyang negosyo. Ito ay ayon na rin sa kanya. Ayon na rin sa kanyang “tax record” na walang binayaran ni isang kusing. Taong 2008 ng magharap siya nang ika-apat na beses na bangkarote para sa kanyang mga negosyo.

Bakit bigla siyang naging bilyonaryo sa napakaikling panahon? Wala pang halos 10 taon, kumpara sa napakahabang panahon na mga deklarasyon ng pagkalugi sa negosyo. May malaking kababalaghan na nangyari ━ malaking misteryo. Ikumpara natin siya kay Bill Gates ng Microsoft, kay Steve Job ng Apple, yung may ari ng Amazon na ilan lang sa mga bilyonaryo na kailanman ay hindi nagdeklara ng bangkarote. Maaring makatayo kaagad sa isang pagbagsak mo, maging sa ikalawang bagsak, at puwede pa rin sa ikatlo na makabangon. Subalit sa ikaapat, mukhang may milagro na nangyari para makabangon at maging bilyonaryo siyang muli.

Sabi sa “Politico,” wala siyang buwis na binayaran noong 1991 at 1993.” Ayon sa New York Times Report 2016, wala rin siyang binayarang buwis noong 1995. At ang tax record niya mula 1970 ay malabo, nakapagbayad siya ng konting tax. Wala, at magulo record ng pagbabayad niya ng buwis sa mga taong nagdaan nang mga panahong iyon. Hindi magtutugma ang rekord niya, hindi balansiyado. Puro kasinungalingan ang pagkatao niya.

Misteryo ang paglago ng yaman niya.

Mula nang mahalal si Trump na pangulo ng bansang Amerika, walang bukang-bibig kundi napakagaling niya sa negosyo. Matagumpay siya sa pagnenegosyo. Ipinagsisigawan pa niya na “I WILL MAKE AMERICA GREAT AGAIN! I WILL MAKE AMERICA GREAT AGAIN!”

ULOL!

Updated: 2018-11-02 — 19:58:09